IQNA

Pagpaparehistro para sa Itikaf sa Malaking Moske sa Mekka na Magsisimula sa Unang Araw ng Ramadan

5:43 - April 02, 2022
News ID: 3003924
TEHRAN (IQNA) – Pagkatapos ng dalawang taong pahinga, ang pagpaparehistro para sa Islamikong rituwal ng Itikaf sa Malaking Moske sa Mekka ay magbubukas sa unang araw ng banal na buwan ng Ramadan.

Sa Itikaf, ang isang Muslim ay nananatili sa isang moske para sa tanging layunin ng pagsasamba at paglalapit sa Allah, na sumusunod sa halimbawa ng Propeta Mohammad, sumakanya nawa ang kapayapaan.

Ang rituwal ay karaniwang ginagawa sa huling 10 sampung mga araw ng lunar na buwan ng Ramadan, na alin inaasahang magsisimula ngayong taon sa Sabado o Linggo.

Ang Pangkalahatang Panguluhan para sa mga Kapakanan ng Dalawang Banal na mga Moske ay nagtakda ng pagpaparehistro para sa rituwal sa Malaking Moske, ang pinakabanal na lugar ng Islam, hanggang Ramadan 5, iniulat ng pahayagang Okaz.

Isinasagawa ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng Al Haramain Al Sharifian app o website ng panguluhan.

Ang Ahensiya ng mga Kapakanang Patnubay ng panguluhan ay nagtayo ng isang silid upang pangalagaan ang mga gawain ng mga sumasamba sa Itikaf, na matatagpuan sa kanlurang patyo ng banal na lugar.

"Kailangan [para sa mga sumasamba] na makipagtulungan sa mga tauhan at umiwas sa paglabag sa mga regulasyong inilapat sa loob ng Malaking Moske," sinabi ni Badr Al Fareeh, ang kinatawan ng pinuno ng panguluhan para sa mga kapakanan ng pagpatnubay.

Idinagdag niya na ang pagkapangulo ay walang pananagutan sa pagkawala ng personal na mga gamit ng mga sumasamba sa Itikaf.

Noong nakaraang linggo, inihayag ng panguluhan ang pagbabalik ng Itikaf sa panahon ng Ramadan sa Malaking Moske at Moske ng Propeta Mohammed sa Medina pagkatapos ng pagsususpinde ng dalawang mga taon dahil sa COVID-19. Ang mga mananamba na gustong pumunta sa Itikaf ay kinakailangang kumuha ng mga pahintulot.

Inalis ng Saudi Arabia ngayong buwan ang karamihan sa mga paghihigpit sa COVID-19 sa gitna ng kapansin-pansing pagbaba ng mga impeksyon sa bansa.

Kabilang dito ang pagbabasura sa pisikal na pagbigay ng agwat sa mga mananamba sa Malaking Moske at sa Moske ng Propeta Mohammad. Gayunpaman, ang mga mananamba ay kinakailangang magsuot ng mga maskasa sa mukha.

 

Pinagmulan: glfnews.com

 

 

3478309

captcha